Miyerkules, Mayo 18, 2011

Isang pasasalamat mula kay Ms.Violet

maraming-marami pong salamat sa mga nagbasa at nagcomment sa katatapos lang na nobela 

ko na Love at Second Chances Series 3: Love is all I need. next na po ang Series 4: A kiss to 

remember pero ala pang exact date kasi busy pa ang bathala kong ama but still salamat sa 

inyo........
 

~Ms.Violet

Martes, Mayo 17, 2011

The Promise-Chapter Two


Chapter Two
Makalipas ang mahabang pagbibiyahe ng pamilya Camposo ay narrating na rin nila ang Hacienda Esperanza na pag-aari ng kanyang lolo Manuel. Bagamat sinauna ang dating ay maganda pa rin ang ambiance ng lugar at nakakarelax ang pagdampi ng hangin. Bumaba ng sasakyan si Shane at lumanghap ng sariwang hangin. She miss this place matagal na din mula ng last niyang punta dito at two years old palang ata siya noon pero ngayon ay edad twenty-six na siya wala parin nagbago sa lugar malinis, presko at relaxing tulad ng dati.
“ Shane? “ ani ni Don Manuel sa kaisa-isang apo
“ lolo! “ sambit ni Shane saka patakbong lumapit sa abuelo at niyakap ito.
“ apo, mabuti at nandito ka na namiss ka naming at yung kadaldalan mo! “ ani ng kanyang lolo Manuel saka pinisil ang tungki ng kanyang ilong
“ I miss you too lolo at kasama ko sila mama at papa at mag stay kami dito ng limang buwan! “ ani niya sa abuelo
“ talaga! Mabuti magkakasama na tayong dalawa maraming bagay ako ikukuwento sayo! “ sabik na ani ng don sa apo
“ papa, naku matagal nang nagyaya yan ngayon lang naming nagrant dahil nagbakasyon itong si Marco sa work! “ ani ni Ayen sa ama
“ o siya sige mukhang pagod kayo sa biyahe tara at pumasok na! Marcia, Marcia, halika rito at tulungan mo sila sa bagahe nila. “ ani ng don sa katiwala
“ por dios por santo madam Serenity! “ bulaslas ni aling Marcia ng makita sa Shane
“ Serenity? Lolo sino si Serenity? “ tanong niya sa abuelo
“ ah anak ang mabuti pa ay pumasok muna tayo sa loob at doon na mag-usap tungkol dyan. “ ani ni Ayen sa anak saka giniya papasok sa loob ng hacienda. Pagpasok niya sa loob bun=mungad saka kanyang ang isang larawan ng babaeng nakangiti. Maganda ito at tila naestatwa siya ng makita niya ito dahil parang nakita na niya ito somewhere.
“ siya ang lola Serenity mo namatay siya dalawampu’t anim na taon na ang nakakaraan! “ pagkukwento sa kanya ng kanyang abuelo
“ you mean lolo kapatid mo siya! “ ani niya sa abuelo
“ oo hija at siya ang tunay na may-ari ng bahay na ito dahil sa kanya pinama ito ng iyong mga itang at inang. “ paliwanag pa ng kanyang lolo na nangingilid ang mga luha sa mata
“ bakit hindi ko alam ang tungkol dito? Bakit niyo sinekreto sa akin ito? “ tanong niya sa mga magulang
“ anak, pinili naming itago para makalimutan ang malagim na pangyayari sa aming pamilya. Sa pagkamatay ni Tita Serenity ikaw ang naging kapalit kaya naman mabilis kaming nakabangon mula sa pagdadalamhati. “ paliwanag ng kanyang ina. Hindi na nakapagsalit pa si Shane sa halip ay lumabas muna siya upang lumanghap ng sariwang hangin. Sa hindi niya malamang dahilan dinala siya ng kanyang mga paa sa lugar na napaka pamilyar sa kanya. Sa gitna noon siya nakatayo at nakamansid sa mga halaman at puno sa paligid. Sa kanyang pagpikit isang gunita ang bumalik at pawang mga nakaraan na humihingi ng mga kasagutan .
“ kung aakalain mong mamahalin kita kapag pinatay mo si Arthur nagkakamali ka Hector mananatili ang pagmamahal ko sa kanya! “ ani ni Serenity kay Hector habang nakagapos katabi ni Arthur.
“ Serenity, yun lang naman ang tangi kong hiling ang mahalin mo rin ako. Hindi ko siya papatayin kapag sinunod mo ang aking kahilingan. “ nababaliw na paki-usap ni Hector kay Serenity
“ baliw ka na Hector kung sa tingin mo kapag napatay mo ako mapapatay mo rin ang pagmamahal ni Serenity sa akin puwes nagkakamali ka! “ sabat ni Arthur saka matalim na tinignan si Hector.
“ tumahimik ka! “ sigaw ni Hector saka tinutukan ng baril si Arthur.
“ huwag! Paki-usap, Hector ako na lang ang patayin mo ako na lang! “ tangis ni Serenity kay Hector
“ hindi naman mangyayari ito kung ako ang pinili mo kaysa sa lalaking ito! Serenity, mahal na mahal kita at lahat ginawa ko para mahalin mo rin ako pero ang lalaki pa ring ito ang pinili mo! “ ani Hector saka pinutok ang baril at tinamaan sa ulo si Arthur.
“ hindiiiiiiii!!!!!!!!!!!! Arthur!!!!!!!!!!!!!!!!!!! “ tangis ni Serenity saka niyakap ang duguang katawan ng kasintahan
“ kung hindi ka rin lang magiging akin mabuti pa na patayin na rin kita. “ ani ni Hector saka kinasa ang hawak na baril.
“ sige ituloy mo wala nang saysay ang buhay ko kung ikaw lang rin ang makakasama ko patayin mo na rin ako Hector! “ umiiyak na sambit ni Serenity. Nang maikasa ni Hector ang baril ay agad niyang binaril sa ulo si Serenity at bumagsak sa duguang katawan ni Arthur si Serenity. Kasabay nun ay ang pagbaril ni Hector sa kanyang sarili. Ginagap ni Arthur ang mga kamay ni Serenity at hinawakan ng mahigpit.
“ pagmamahalan man natin ay sinubok ng panahon mananatili itong kasing tibay ng punog Narra at sa paglipas ng panahon tayo’y babalik upang ipagpatuloy ang pagmamahalang nilaan ng Panginoon na naudlot. “ sabay nilang binigkas na naglakbay sa hangin. Lalong lumakas ang ulan at hangin na tila isang unos na handing nanira ng mga ari-arian.

Dumilat si Shane at biglang nawalan ng malay tao mabuti na lang at maagap siyang nasalo ni John na kasalukuyan ding nasa lugar kung saan naroon si Shane. Binuhat niya ito saka mabilis na dinala sa Hacienda Trinidad. Doon inasikaso siya ng mag katiwala at ni John mismo. Habang pinupunasan ng mga katiwala ang mukha ni Shane biglang may bumalik sa alaala ni John. Ang kanyang panaginip dun niya nakita ang mukha ni Shane. Pinilit niyang iwaksi an gang mga panaginip niya at itinuon ang pansin sa mga katiwala.
“ hay John nandito ka para magpahinga hindi para kunsimihin ang sarili mo! “ ani niya sa sarili habang nanatili pa ring nakatitig sa mala-anghel na mukha ni Shane.

The Promise-Chapter One

Chapter One
26 years after…….
Masayang inimpake ni Shane ang kanyang mga gamit at ilang mga kasuotan na gagamitin sa halos limang buwan na bakasyon sa San Simon ang bayan na kanyang sinilangan. Dalawang taon lamang siya ng dalhin siya ng kanyang ama at ina sa Maynila upang doon permanenteng manirahan. Labis ang kalungkutan ng kanyang lolo Manuel ng malamang ang pasya ng anak na si Ayen. Si Shane ang “ apple of the eye “ ng kanyang lolo Manuel dahil akin niyang kabibuhan at kadaldalan.
“ Shane, are you ready? “ tanong ng kanyang ina na kasalukuyang nakatayo sa pintuan ng kanyang kwarto
“ yes, ma, I’m ready I’m almost done here! “ ani niya sa ina saka itinuon ang atensyon sa mga gadgets na kanyang dadalhin pero mabilis na naagaw ng kanyang ina ang kanyang laptop at wireless internet.
“ hindi mo na kailangan dalhin ito sa San Simon alalahanin mo walang signal doon. “ ani ng kanyang ina sa kanya
“ ma, five months without internet access OMG I’m gonna die! “ ani niya sa ina
“ Shane Louise, don’t be so childish you are old enough to act like that  please act with your age! “ ani ng kanyang ina saka kinuha ang laptop niya wireless internet at lumabas ng kanyang kwarto
“ grrrrrrrrrrrrr! “ ani niya saka pinagpatuloy ang pag-iimpake. Lumaking may pagka- bratinella si Shane dahil sa nasunod ang lahat ng kanyang luho at layaw. Hindi naman siya masisi dahil nag-iisa lang siyang anak kaya naman walang magawa ang kanyang ama’t ina sa kanyang ugali. Matapos niyang maimpake ang lahat ay bumaba na siya at sumakay sa kotse ng kanyang ama. Habang naghihintay sa mga magulang ay kinuha niya ang kanyang MP3 player at pinatugtug iyon.
“ Shane, baka naman ganyan lang ang gawin mo sa San Simon aba’y nakakahiya sa lolo Manuel mo! “ singhal ng kanyang ama
“ don’t worry pa, I’ll be nice to lolo Manuel! “ ani niya sa ama
“ make sure of that Shane Louise! “ ani ng kanyang ama saka sumakay saka sasakyan. Naiinis niya kapag tinatawag siya sa kanyang buong pangalan pero alam niyang kapag ganoon ang tawag sa kanya seryoso ang kanyang mga magulang sa pangangaral sa kanya. Hindi naman nagkulang ang kanyang mga magulang sa pagpapalaki sa kanya lahat ay ibinigay nila dito hanggang sa abot ng kanilang makakaya pero mukhang nasobrahan dahil naging spoil brat ito at bratinella. Sa haba ng biyahe nakatulog si Shane sa biyahe habang pinakikinggan ang kanyang paboritong kanta na “ back to december “ na kinanta ng kanyang paboritong artist na si Taylor Swift. Sobra ang pagkahilig ni Shane sa mga foreign artist kaya naman pati accent niya ay nabago na rin.
     “ pagmamahalan man natin ay sinubok ng panahon mananatili itong kasing tibay ng punog Narra at sa paglipas ng panahon tayo’y babalik upang ipagpatuloy ang pagmamahalang nilaan ng Panginoon na naudlot. “.
Paulit-ulit na pumailang-lang sa kanyang panaginip ang mga salitang hindi niya malaman kung saan nanggaling. Mga eksenang parang sinauna ang dating, mga pagtangis at dalamhati ng mga tao na paulit-ulit na bumabalik sa kanyang panaginip.
“ huh! “ naalimpungatang ani ni John saka tumingin sa kanyang wrist watch.
“ sir, binabangungot po kayo! “ ani ng kanyang drayber
“ ah! Manong, mag stop-over muna tayo sa isang restaurant na malapit nagutom kasi ako! “ ani niya sa kanyang drayber saka sinuot ang kanyang paboritong shades.
Patuloy naman ang biyahe ng mag-anak na Camposo ng marinig nila ang pag-unggol ni Shane.
“ Shane, anak gising! “ ani ni Ayen sa anak
“ huh! Ma! “ ani niya na hingal na hingal
“ nanaginip ka anak! “ ani ng kanyang ama
“ tell us ano na napanaginipan mo? “ tanong ng kanyang ina
“ It’s all about a promise I don’t know parang sinauna! “ pagkukuwento niya sa ama’t ina saka bumaling sa kanilang dinaraan.
“ it’s okay anak malamang ay panaginip lang yun! “ ani ng kanyang ina
“ maybe! Malapit na ba tayo? “ tanong niya sa mga magulang
“ yup hija konting tiis na lang makikita mo na ang lolo Manuel mo! “ ani ng kanyang ama. Bahagya namang napangiti ni Shane dahil sabik na rin siya makabonding ang abuelo. Matagal din siyang nalayo dito at magpahanggang ngayon hanap-hanap pa rin niya ang presence ng abuelo. Samantala abala naman sa pagkain ang mag-among John at mang Tonyo sa pinakamalapit na restaurant na kanilang natagpuan.
“ mang Tonyo, kakaiba ang panaginip these days at paulit-ulit siya ndi ko maintindihan! “ paliwanag niya sa katiwala
“ baka naman sir bunga lang yan ng pagod mahaba na kasi ang nalakbay natin at isang kilometro na lang ay papasok na tayo ng San Simon. “ suhestyon naman ni mang Tonyo sa kanya
“ baka nga ho ganun! “ ani niya saka muling kumain. Buong buhay ni John ay umikot lang sa pagpapatakbo ng kumpanya ng kanilang pamilya sa Maynila kaya naman malaking tulong sa kanya ang binigay na bakasyon ng ama. Limang buwan siyang iisipin kundi ang magbakasyon at magrelax. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaang kawani ng kanilang kumpanya at within the year naiangat niya investment ng kumpanya nila. Most admired bachelor in town ang turing sa kanya pero walang pang babaeng nakakabihag sa puso niyang mailap. Matapos nialng kumain ay nagpatuloy sila sa pag biyahe hanggang sa marating nila ang Hacienda Trinidad ang pinakamatandang hacienda sa buong San Simon na pag-aari ng angkan nila John. Bumaba siya sa kanyang sasakyan at lumanghap ng sariwang hangin na matagal na niyang hinahanap. Bata pa siya ng huli siyang makadalaw sa baying sinilangan at ngayon nandito na siya magaan na ang feelings niya.

Sabado, Mayo 7, 2011

The Promise- Primer

Prologue
Year 1985
Isang masalimuot na araw para sa mga taga-San Simon habang malakas ang buhos ng ulan at malakas ang pag-ihip ng hangin.
“ kung aakalain mong mamahalin kita kapag pinatay mo si Arthur nagkakamali ka Hector mananatili ang pagmamahal ko sa kanya! “ ani ni Serenity kay Hector habang nakagapos katabi ni Arthur.
“ Serenity, yun lang naman ang tangi kong hiling ang mahalin mo rin ako. Hindi ko siya papatayin kapag sinunod mo ang aking kahilingan. “ nababaliw na paki-usap ni Hector kay Serenity
“ baliw ka na Hector kung sa tingin mo kapag napatay mo ako mapapatay mo rin ang pagmamahal ni Serenity sa akin puwes nagkakamali ka! “ sabat ni Arthur saka matalim na tinignan si Hector.
“ tumahimik ka! “ sigaw ni Hector saka tinutukan ng baril si Arthur.
“ huwag! Paki-usap, Hector ako na lang ang patayin mo ako na lang! “ tangis ni Serenity kay Hector
“ hindi naman mangyayari ito kung ako ang pinili mo kaysa sa lalaking ito! Serenity, mahal na mahal kita at lahat ginawa ko para mahalin mo rin ako pero ang lalaki pa ring ito ang pinili mo! “ ani Hector saka pinutok ang baril at tinamaan sa ulo si Arthur.
“ hindiiiiiiii!!!!!!!!!!!! Arthur!!!!!!!!!!!!!!!!!!! “ tangis ni Serenity saka niyakap ang duguang katawan ng kasintahan
“ kung hindi ka rin lang magiging akin mabuti pa na patayin na rin kita. “ ani ni Hector saka kinasa ang hawak na baril.
“ sige ituloy mo wala nang saysay ang buhay ko kung ikaw lang rin ang makakasama ko patayin mo na rin ako Hector! “ umiiyak na sambit ni Serenity. Nang maikasa ni Hector ang baril ay agad niyang binaril sa ulo si Serenity at bumagsak sa duguang katawan ni Arthur si Serenity. Kasabay nun ay ang pagbaril ni Hector sa kanyang sarili. Ginagap ni Arthur ang mga kamay ni Serenity at hinawakan ng mahigpit.
“ pagmamahalan man natin ay sinubok ng panahon mananatili itong kasing tibay ng punog Narra at sa paglipas ng panahon tayo’y babalik upang ipagpatuloy ang pagmamahalang nilaan ng Panginoon na naudlot. “ sabay nilang binigkas na naglakbay sa hangin. Lalong lumakas ang ulan at hangin na tila isang unos na handing nanira ng mga ari-arian.
Samantala sa pampublikong ospital ng San Simon sabay-sabay sinilang ang isang sanggol na babae at isang sanggol na lalaki. Kinabukasan inilagak ang mga labi ng magkasintahang Serenity at Arthur sa bahay na kanilang pinatayo na gagamitin nila sana sa pagbuo ng kanilang pangarap na pamilya. Marami ang mga nakiramay at nagpahatid ng pakikidalamhati sa sinapit ng dalawa. Habang abala ang ilan sa mga kamag-anakan nila Serenity at Arthur ang iba naman ay nagtungo sa ospital upang dalawin ang dalawang sanggol na bagong panganak.
“ simula sa araw na ito tatawagin ka naming Shane Louise Camposo. “ sambit ni Ayen sa anak habang kalong ito. Si Ayen ay pamangkin ni Serenity sa kapatid na si Manuel. Sa kabila ng pagdadalamhati ay napalitan ng pag-asang makakabangon sa unos na dumating sa kanila ng ipanganak si Shane.
“ simula ngayon ikaw na ang aming batang Serenity! “ ani ni Manuel sa apo saka kinabit sa damit nito ang paboritong hairpin ni Serenity. Naiyak namang tumitig si Ayen sa ama habang buhat ang kanyang anak. Makalipas ang pitong araw na burol na nilaan para sa magkasintahan ay pareho na itong hinatid sa kanilang huling hantungan. Hiniling parehong kampo na pagtabihin ang puntod ng magkasintahan bilang pag-alala sa naudlot na pagmamahalan. Makulimlim ang kalangitan at tila nagbabadya ang isang malakas na ulan patuloy ang pagtangis ng mga kapamilya ng dalawang sinawing palad. Matapos maipasok ang mga ataul ay nagsi-uwian na ang mga nakiramay at tanging mga kamag-anakan na lamang ang natira na patuloy pa rin sa pagtangis.
“ pa, uwi na po tayo! “ pag-aaya ni Ayen sa ama na patuloy pa ring tumatangis sa puntod na kaisa-isang kapatid na babae
“ mauna ka anak dito muna ako iuwi mo na ang anak mo baka abutan pa kayo ng malakas na ulan! “ ani ni Manuel sa anak saka niyakap ang apong si Shane
“ ipapasundo na lang po naming kayo dito pa! “ ani naman ng kanyang manugang na si renzo
“ o sige! “ maikli niyang sagot saka binaling ang tingin sa puntod ng yumaong kapatid. Nang makaalis ang anak nagpatuloy sa pagtangis si Manuel sa harap ng puntod ni Serenity. Hindi niya matanggap na sa malagim na paraan mamamatay ang kaisa-isa niyang kapatid na babae. Labis ang closeness nilang magkapatid kaya naman ganoon na lang ang pagtangis nito sa sinapit ng kapatid.
“ Serenity, pinapangako ko dito sa harap ng puntod mo na hinding-hindi ko pababayaan ang bahay na pinamana nila mama at papa sa atin. Mananatili kang buhay sa puso at isipan ng mga tao sa Hacienda. “ ani ni Manuel saka tumayo at umalis sa pampublikong sementeryo ng San Simon.

Bumuhos ang malakas na ulan at umihip ang malakas na hangin dahilan upang lahat ng mga tao sa San Simon ay magsipasukan sa kani-kanilang mga tahanan. Bawat bahay ay sarado ang mga bintana at pintuan upang hindi maangihan ng malakas na bugso ng ulan.
 “ pagmamahalan man natin ay sinubok ng panahon mananatili itong kasing tibay ng punog Narra at sa paglipas ng panahon tayo’y babalik upang ipagpatuloy ang pagmamahalang nilaan ng Panginoon na naudlot. “ pangako na pumailanglang kasabay ng pag-ihip ng hangin ang binitiwan ng sinawing palad na magkasintahan na sina Serenity at Arthur…… 

The Promise- Teaser


Teaser

Bago nalagutan ng hininga ang magkasintahang Serenity at Arthur nagbitiw sila ng pangako babalik at ipagpapatuloy ang naudlot na pagmamahalan. Ang pangakong iyon ay naglakbay sa hangin hanggang sa umabot sa kamalayan ng isang babae at lalaking sanggol na sinilang matapos silang malagutan ng hininga. Makalipas ang dalawampu’t anim na taon bumalik si Shane sa San Simon upang dalawin ang kanyang lolo Manuel na kapatid ng yumaong si Serenity. Kasama niya sa kanyang pagbalik ang kanyang ama’t ina. Sa lugar kung saan pinaniniwalaang naganap ang sumpaan doon nakilala ni Shane si John na apo ng yumaong kasintahan ng kanyang lola Serenity na si Arthur. Matupad kaya ang sumpaang naganap dalawampu’t anim na taong na ang nakalilipas? Sina Shane at John kaya ang tinadhana na magtuloy ng naudlot na pagmamahalan nina Serenity at Arthur? 

Linggo, Mayo 1, 2011

Pagsubok Kakambal ng Pag-Ibig by Ruth Oba

Matagal ng magkasintahan sina Jaime at Leanne at sa loob ng apat na taong pagsasama bilang magkasintahan ang understanding at pagiging close sa isa’t-isa ang siyang naging basehan para tumagal sila. Tulad ng ibang magkarelasyon dumaan din sila sa mga paminsan-minsang pag-aaway at tampuhan pero hindi nila iyon pinatatagal. Isang callcenter agent si Leanne at night shift siya ngayon samantalng si Jaime naman ay isang young professor sa UP. Sabado at day-off ni Leanne at may pasok naman si Jaime kaya naman isa ito sa lagi nilang pinag-aawayan.


“ lagi tayong walang oras para sa isa’t-isa hindi ko na alam kung saan pa tutungo ang relasyong ito. “ ani ni Jaime sa kay Leanne


“ so nagsasawa ka na ganitong pangyayari okay fine eh di maghiwalay na lang tayo! “ hamon ni Leanne sa binata


“ hindi naman sa ganoon bakit ba napunta sa hiwalayan ang topic nating dalawa? Ang sa akin lang gusto kong magkaroon tayo time para sa isa’t-isa. “ paliwanag sa kanya ni Jaime


“ sa work mo ngayon kahit kailan hindi tayo magkakaroon ng time dahil kahit linggo nasa school to do your lesson plans! “ anis a kanya ni Leanne at saka naupo sa sofa ng boardig house ni Jaime


“ Leanne, akala ko ba naiintindihan mo ang trabaho ko! “ tanong sa kanya ni Jaime


“ Jaime, kahit kailan hinding-hindi ko maiintidihan ang trabaho dahil nakikita kong mas mahal mo ang mga estudyante mo kaysa sa akin ayoko ng makipagtalo sayo dahil igigiit mo na naman na tumigil na ako sa pagiging call center bahala ka muna sa sarili mo. “ ani nito saka lumabas ng boarding house ni Jaime. 
Naiwan naman si Jaime sa loob na hindi malaman kung ano ang gagawin. Si Leanne naman ay umuwi sa kanila na umiiyak kaya tinanong siya ng kanyang ina.


“ hija, bakit ka naiyak? Nag-away ba kayo ni Jaime? “ tanong sa kanya ng kanyang ina


“ wala po to nay meron lang po kaming hindi pagkakaintindihang dalawa ni Jaime! “ ani niya sa ina


“ bakit hindi mo sabihin sa akin ng lumuwag iyang dibdib mo. “ ani sa kanya ng kanyang ina


“ nay, lagi na lang po naming pinag-aawayan ang mga sari-sariling career naming lagi na lang po kaming nagtatalo hindi ko naman po kasalan kung minsan nawawalan kami ng time para sa isa’t-isa. “ umiiyak niyang sumbong sa ina


“ hay, ganyan talaga ang nagmamahalan paminsan-minsan nag-aaway diyan kasi nasusukat ang katatagan niyong dalawa. Paano kapag kinasal kayo hindi pwedeng ganito kayo palagi ano ang ipapakain niyo sa magiging anak niyo? Ipaliwanag mo sa kanya na ginagawa mo ito para sa future niyong dalawa at malamng yun din ang kanayang dahilan. “ paliwanag ng kanyang ina. 


Unti-unti namang naliwanagan si Leanne sa ipinaliwanag ng kanyang ina kaya kahit papaano ay naibsan ang kanyang mga pangamba.
Kinabukasan maaga siyang nagising upang pumunta sa boarding house ni Jaime upang humingi ng sorry sa pagiging immature niya. Dahil sa may sarili siyang susi sa tinitirhan ng kasintahan ay madali para sa kanya ang makapasok na hindi na kailangan pang gising ito. Pagpasok niya sa loob ay nadatnan niyang nagkalat ang bote ng alak sa loob at kanyang higit na ipinagtaka ay may nagkalat rin mga damit sa sala kaya naman dali-dali siyang umaakyat sa kwarto ng kasintahan at doon naabutan niya itong may katabing babae. Dahil sa sobrang galit naibagsak niya ang platong may laman ng pagkain para sa kasintahan dahilan upang lumikha ng ingay at magising si Jaime at ang naulaway na babae.


“ Leanne? “ pupungas-pungas na ani ni Jaime


“ ito pala ang dahilan kung bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at text. Bakit Jaime? Bakit? “ ani ni Leanne saka ibinato ang lahat ng makitang bagay  kay Jaime


“ Leanne magpapaliwang ako? Teka! “ paki-usap ni Jaime


“ at ikaw na babae ka napakalandi mo alam mong may girlfriend na itong lalaking ito nilandi mo pa! “ galit niyang baling sa babae


“ pakinggan mo muna ako please! “ ani ni Jaime sa kanya


“ kausapin mo ang lelang mo! “ ani ni Leanne saka binato dito ang pinggan masuwerte naming nailagan iyon ni Jaime. 


Umiiyak namang umuwi Leanne sa kanila kaya naman agad siyang nilapitan ng kanyang ina at kina-usap. Nagulat naman ang kanyang ina sa sinabi ni Leanne kaya nakaramdam din ito ng galit sa kasintahan ng anak. Lumipas ang isang buwan ay nagpunta sa kanila si Jaime upang kausapin siya pero bigo itong makita ang dalaga dahil hindi ito hinayaan ng mga kapatid ni Leanne. Naka-isip naman ng paraan si Jaime at iyon ay ang panghaharana sa kasintahan mamayang gabi. Kinagabihan isang magandang boses ang gumising sa nahihimbing na kapitbahay ni Leanne.


Ikaw ang syang ligaya ko
nagbibigay sigla sa puso ko
o giliw ko, pakinggan mo
ang nais sabihin ng aking puso na… “


“ mahal, mahal na mahal kita
hindi ako magbabago
asahan mo ito
mahal,mahal na mahal kita
ang puso ko’y iyong iyo
asahan mong maghihintay sa’yo.”




“ hindi ako magbabago
asahan mong maghihintay sa’yo. “


“ Leanne alam kong gising ka patawarin mo ako alam kong nasaktan kita walang ibang nangyari sa amin ng babaeng iyon. Patawarin mo na ako mahal ko! “ sigaw ni Jaime mula sa labas ng bahay nila Leanne pero hindi dumungaw si Leanne hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan.


“ ate, labas ka nab aka magkasakit si kuya Jaime sige ka baka tuluyan na siyang mawala sayo. “ pananakot sa kanya ng bunsong kapatid


“ anak, kung talagang mahal mo si Jaime kaya mo siyang patawarin kahit ano pa ang kasalan niya. “ ani ng kanyang ina. Dahil sa sinabi ng ina ay lumabas si Leanne at pinayungan ang kasintahan


“ bakit ang tagal mong lumabas? “ tanong sa kanya ni Jaime


“ sinisubukan kita pero ito ang pinaka sweet na ginawa mo! Pinapatawad na kita! Huwag mo nang uulitin iyon ha kundi…………. “ ani niya sa kasintahan


“ kundi ano iiwan mo ako! Alam kong hindi mo ako matitiis dahil mahal na mahal mo ako diba. “ wika sa kanya ni Jaime


“ oo mahal na mahal kita! Alam iyon ng buong mundo. “ ani niya saka hinalikan ang kasintahan. Tinugon naman ni Jaime ang halik niya


“ Leanne Sta. Ana will you marry me? “ tanong sa kanya ni Jaime


“ yes, I will marry Jaime Cruz! “ sagot niya saka yumakap sa kasintahan. Hindi na nila nialintana ang lakas ng ulan. Handa na sila para sa bagong umaga bilang mag-asawa.