Sabado, Mayo 7, 2011

The Promise- Primer

Prologue
Year 1985
Isang masalimuot na araw para sa mga taga-San Simon habang malakas ang buhos ng ulan at malakas ang pag-ihip ng hangin.
“ kung aakalain mong mamahalin kita kapag pinatay mo si Arthur nagkakamali ka Hector mananatili ang pagmamahal ko sa kanya! “ ani ni Serenity kay Hector habang nakagapos katabi ni Arthur.
“ Serenity, yun lang naman ang tangi kong hiling ang mahalin mo rin ako. Hindi ko siya papatayin kapag sinunod mo ang aking kahilingan. “ nababaliw na paki-usap ni Hector kay Serenity
“ baliw ka na Hector kung sa tingin mo kapag napatay mo ako mapapatay mo rin ang pagmamahal ni Serenity sa akin puwes nagkakamali ka! “ sabat ni Arthur saka matalim na tinignan si Hector.
“ tumahimik ka! “ sigaw ni Hector saka tinutukan ng baril si Arthur.
“ huwag! Paki-usap, Hector ako na lang ang patayin mo ako na lang! “ tangis ni Serenity kay Hector
“ hindi naman mangyayari ito kung ako ang pinili mo kaysa sa lalaking ito! Serenity, mahal na mahal kita at lahat ginawa ko para mahalin mo rin ako pero ang lalaki pa ring ito ang pinili mo! “ ani Hector saka pinutok ang baril at tinamaan sa ulo si Arthur.
“ hindiiiiiiii!!!!!!!!!!!! Arthur!!!!!!!!!!!!!!!!!!! “ tangis ni Serenity saka niyakap ang duguang katawan ng kasintahan
“ kung hindi ka rin lang magiging akin mabuti pa na patayin na rin kita. “ ani ni Hector saka kinasa ang hawak na baril.
“ sige ituloy mo wala nang saysay ang buhay ko kung ikaw lang rin ang makakasama ko patayin mo na rin ako Hector! “ umiiyak na sambit ni Serenity. Nang maikasa ni Hector ang baril ay agad niyang binaril sa ulo si Serenity at bumagsak sa duguang katawan ni Arthur si Serenity. Kasabay nun ay ang pagbaril ni Hector sa kanyang sarili. Ginagap ni Arthur ang mga kamay ni Serenity at hinawakan ng mahigpit.
“ pagmamahalan man natin ay sinubok ng panahon mananatili itong kasing tibay ng punog Narra at sa paglipas ng panahon tayo’y babalik upang ipagpatuloy ang pagmamahalang nilaan ng Panginoon na naudlot. “ sabay nilang binigkas na naglakbay sa hangin. Lalong lumakas ang ulan at hangin na tila isang unos na handing nanira ng mga ari-arian.
Samantala sa pampublikong ospital ng San Simon sabay-sabay sinilang ang isang sanggol na babae at isang sanggol na lalaki. Kinabukasan inilagak ang mga labi ng magkasintahang Serenity at Arthur sa bahay na kanilang pinatayo na gagamitin nila sana sa pagbuo ng kanilang pangarap na pamilya. Marami ang mga nakiramay at nagpahatid ng pakikidalamhati sa sinapit ng dalawa. Habang abala ang ilan sa mga kamag-anakan nila Serenity at Arthur ang iba naman ay nagtungo sa ospital upang dalawin ang dalawang sanggol na bagong panganak.
“ simula sa araw na ito tatawagin ka naming Shane Louise Camposo. “ sambit ni Ayen sa anak habang kalong ito. Si Ayen ay pamangkin ni Serenity sa kapatid na si Manuel. Sa kabila ng pagdadalamhati ay napalitan ng pag-asang makakabangon sa unos na dumating sa kanila ng ipanganak si Shane.
“ simula ngayon ikaw na ang aming batang Serenity! “ ani ni Manuel sa apo saka kinabit sa damit nito ang paboritong hairpin ni Serenity. Naiyak namang tumitig si Ayen sa ama habang buhat ang kanyang anak. Makalipas ang pitong araw na burol na nilaan para sa magkasintahan ay pareho na itong hinatid sa kanilang huling hantungan. Hiniling parehong kampo na pagtabihin ang puntod ng magkasintahan bilang pag-alala sa naudlot na pagmamahalan. Makulimlim ang kalangitan at tila nagbabadya ang isang malakas na ulan patuloy ang pagtangis ng mga kapamilya ng dalawang sinawing palad. Matapos maipasok ang mga ataul ay nagsi-uwian na ang mga nakiramay at tanging mga kamag-anakan na lamang ang natira na patuloy pa rin sa pagtangis.
“ pa, uwi na po tayo! “ pag-aaya ni Ayen sa ama na patuloy pa ring tumatangis sa puntod na kaisa-isang kapatid na babae
“ mauna ka anak dito muna ako iuwi mo na ang anak mo baka abutan pa kayo ng malakas na ulan! “ ani ni Manuel sa anak saka niyakap ang apong si Shane
“ ipapasundo na lang po naming kayo dito pa! “ ani naman ng kanyang manugang na si renzo
“ o sige! “ maikli niyang sagot saka binaling ang tingin sa puntod ng yumaong kapatid. Nang makaalis ang anak nagpatuloy sa pagtangis si Manuel sa harap ng puntod ni Serenity. Hindi niya matanggap na sa malagim na paraan mamamatay ang kaisa-isa niyang kapatid na babae. Labis ang closeness nilang magkapatid kaya naman ganoon na lang ang pagtangis nito sa sinapit ng kapatid.
“ Serenity, pinapangako ko dito sa harap ng puntod mo na hinding-hindi ko pababayaan ang bahay na pinamana nila mama at papa sa atin. Mananatili kang buhay sa puso at isipan ng mga tao sa Hacienda. “ ani ni Manuel saka tumayo at umalis sa pampublikong sementeryo ng San Simon.

Bumuhos ang malakas na ulan at umihip ang malakas na hangin dahilan upang lahat ng mga tao sa San Simon ay magsipasukan sa kani-kanilang mga tahanan. Bawat bahay ay sarado ang mga bintana at pintuan upang hindi maangihan ng malakas na bugso ng ulan.
 “ pagmamahalan man natin ay sinubok ng panahon mananatili itong kasing tibay ng punog Narra at sa paglipas ng panahon tayo’y babalik upang ipagpatuloy ang pagmamahalang nilaan ng Panginoon na naudlot. “ pangako na pumailanglang kasabay ng pag-ihip ng hangin ang binitiwan ng sinawing palad na magkasintahan na sina Serenity at Arthur…… 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento