Matagal ng magkasintahan sina Jaime at Leanne at sa loob ng apat na taong pagsasama bilang magkasintahan ang understanding at pagiging close sa isa’t-isa ang siyang naging basehan para tumagal sila. Tulad ng ibang magkarelasyon dumaan din sila sa mga paminsan-minsang pag-aaway at tampuhan pero hindi nila iyon pinatatagal. Isang callcenter agent si Leanne at night shift siya ngayon samantalng si Jaime naman ay isang young professor sa UP. Sabado at day-off ni Leanne at may pasok naman si Jaime kaya naman isa ito sa lagi nilang pinag-aawayan.
“ lagi tayong walang oras para sa isa’t-isa hindi ko na alam kung saan pa tutungo ang relasyong ito. “ ani ni Jaime sa kay Leanne
“ so nagsasawa ka na ganitong pangyayari okay fine eh di maghiwalay na lang tayo! “ hamon ni Leanne sa binata
“ hindi naman sa ganoon bakit ba napunta sa hiwalayan ang topic nating dalawa? Ang sa akin lang gusto kong magkaroon tayo time para sa isa’t-isa. “ paliwanag sa kanya ni Jaime
“ sa work mo ngayon kahit kailan hindi tayo magkakaroon ng time dahil kahit linggo nasa school to do your lesson plans! “ anis a kanya ni Leanne at saka naupo sa sofa ng boardig house ni Jaime
“ Leanne, akala ko ba naiintindihan mo ang trabaho ko! “ tanong sa kanya ni Jaime
“ Jaime, kahit kailan hinding-hindi ko maiintidihan ang trabaho dahil nakikita kong mas mahal mo ang mga estudyante mo kaysa sa akin ayoko ng makipagtalo sayo dahil igigiit mo na naman na tumigil na ako sa pagiging call center bahala ka muna sa sarili mo. “ ani nito saka lumabas ng boarding house ni Jaime.
Naiwan naman si Jaime sa loob na hindi malaman kung ano ang gagawin. Si Leanne naman ay umuwi sa kanila na umiiyak kaya tinanong siya ng kanyang ina.
“ hija, bakit ka naiyak? Nag-away ba kayo ni Jaime? “ tanong sa kanya ng kanyang ina
“ wala po to nay meron lang po kaming hindi pagkakaintindihang dalawa ni Jaime! “ ani niya sa ina
“ bakit hindi mo sabihin sa akin ng lumuwag iyang dibdib mo. “ ani sa kanya ng kanyang ina
“ nay, lagi na lang po naming pinag-aawayan ang mga sari-sariling career naming lagi na lang po kaming nagtatalo hindi ko naman po kasalan kung minsan nawawalan kami ng time para sa isa’t-isa. “ umiiyak niyang sumbong sa ina
“ hay, ganyan talaga ang nagmamahalan paminsan-minsan nag-aaway diyan kasi nasusukat ang katatagan niyong dalawa. Paano kapag kinasal kayo hindi pwedeng ganito kayo palagi ano ang ipapakain niyo sa magiging anak niyo? Ipaliwanag mo sa kanya na ginagawa mo ito para sa future niyong dalawa at malamng yun din ang kanayang dahilan. “ paliwanag ng kanyang ina.
Unti-unti namang naliwanagan si Leanne sa ipinaliwanag ng kanyang ina kaya kahit papaano ay naibsan ang kanyang mga pangamba.
Kinabukasan maaga siyang nagising upang pumunta sa boarding house ni Jaime upang humingi ng sorry sa pagiging immature niya. Dahil sa may sarili siyang susi sa tinitirhan ng kasintahan ay madali para sa kanya ang makapasok na hindi na kailangan pang gising ito. Pagpasok niya sa loob ay nadatnan niyang nagkalat ang bote ng alak sa loob at kanyang higit na ipinagtaka ay may nagkalat rin mga damit sa sala kaya naman dali-dali siyang umaakyat sa kwarto ng kasintahan at doon naabutan niya itong may katabing babae. Dahil sa sobrang galit naibagsak niya ang platong may laman ng pagkain para sa kasintahan dahilan upang lumikha ng ingay at magising si Jaime at ang naulaway na babae.
“ Leanne? “ pupungas-pungas na ani ni Jaime
“ ito pala ang dahilan kung bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at text. Bakit Jaime? Bakit? “ ani ni Leanne saka ibinato ang lahat ng makitang bagay kay Jaime
“ Leanne magpapaliwang ako? Teka! “ paki-usap ni Jaime
“ at ikaw na babae ka napakalandi mo alam mong may girlfriend na itong lalaking ito nilandi mo pa! “ galit niyang baling sa babae
“ pakinggan mo muna ako please! “ ani ni Jaime sa kanya
“ kausapin mo ang lelang mo! “ ani ni Leanne saka binato dito ang pinggan masuwerte naming nailagan iyon ni Jaime.
Umiiyak namang umuwi Leanne sa kanila kaya naman agad siyang nilapitan ng kanyang ina at kina-usap. Nagulat naman ang kanyang ina sa sinabi ni Leanne kaya nakaramdam din ito ng galit sa kasintahan ng anak. Lumipas ang isang buwan ay nagpunta sa kanila si Jaime upang kausapin siya pero bigo itong makita ang dalaga dahil hindi ito hinayaan ng mga kapatid ni Leanne. Naka-isip naman ng paraan si Jaime at iyon ay ang panghaharana sa kasintahan mamayang gabi. Kinagabihan isang magandang boses ang gumising sa nahihimbing na kapitbahay ni Leanne.
“ Ikaw ang syang ligaya ko
o giliw ko, pakinggan mo
ang nais sabihin ng aking puso na… “
“ mahal, mahal na mahal kita
hindi ako magbabagoasahan mo ito
mahal,mahal na mahal kita
ang puso ko’y iyong iyo
asahan mong maghihintay sa’yo.”
“ hindi ako magbabago
asahan mong maghihintay sa’yo. ““ Leanne alam kong gising ka patawarin mo ako alam kong nasaktan kita walang ibang nangyari sa amin ng babaeng iyon. Patawarin mo na ako mahal ko! “ sigaw ni Jaime mula sa labas ng bahay nila Leanne pero hindi dumungaw si Leanne hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan.
“ ate, labas ka nab aka magkasakit si kuya Jaime sige ka baka tuluyan na siyang mawala sayo. “ pananakot sa kanya ng bunsong kapatid
“ anak, kung talagang mahal mo si Jaime kaya mo siyang patawarin kahit ano pa ang kasalan niya. “ ani ng kanyang ina. Dahil sa sinabi ng ina ay lumabas si Leanne at pinayungan ang kasintahan
“ bakit ang tagal mong lumabas? “ tanong sa kanya ni Jaime
“ sinisubukan kita pero ito ang pinaka sweet na ginawa mo! Pinapatawad na kita! Huwag mo nang uulitin iyon ha kundi…………. “ ani niya sa kasintahan
“ kundi ano iiwan mo ako! Alam kong hindi mo ako matitiis dahil mahal na mahal mo ako diba. “ wika sa kanya ni Jaime
“ oo mahal na mahal kita! Alam iyon ng buong mundo. “ ani niya saka hinalikan ang kasintahan. Tinugon naman ni Jaime ang halik niya
“ Leanne Sta. Ana will you marry me? “ tanong sa kanya ni Jaime
“ yes, I will marry Jaime Cruz! “ sagot niya saka yumakap sa kasintahan. Hindi na nila nialintana ang lakas ng ulan. Handa na sila para sa bagong umaga bilang mag-asawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento